Manila, Philippines – Sinupalpal ni dating Pangulong Noynoy Aquino III ang Malacañang matapos ihayag na walang magagawa ang Pilipinas kung angkinin ng China ang patrimonial assets ng bansa.
Ito ay kapag hindi nakabayad ang Pilipinas ng ₱3.6 billion na utang para sa proyektong pang-irigasyon.
Iginiit ni Aquino na kung ang mga inilatag na kundisyon ng China’s development loan ay mabigat, hindi dapat obligado ang Pilipinas na tanggapin o kuhain ito.
Inihalimbawa ni Aquino ang terms and conditions ng car loan, kung saan pinapayagan ng bangko ang borrower na pumili ng collateral para sa loan.
Ang 20-year loan deal para sa Chico River Pump Irrigation Project ay nilagdaan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua noong April 10, 2018.