Suportado ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang panawagan ni Iloilo Representative, dating Health Secretary Janette Garin na ibalik ang paggamit ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Iminungkahi ito ni Garin sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Aquino – maaaring gamitin ang bakuna kung wala itong masamang epektong maidudulot sa mga gagamit.
Ang Dengvaxia ay naging kontrobersyal matapos i-anunsyo ng manufacturer nito na Sanofi Pasteur na posibleng magdulot ito ng matinding sintomas ng dengue lalo na sa mga hindi pa natatamaan ng virus.
Dahil dito, itinigil ng Department of Health (DOH) ang school-based dengue immunization program.
Permanenteng tinanggal ng Food and Drug Administration (FDA) ang Certificate of Product Registration.