MANILA – Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force Director Getulio Napeñas matapos makitaan ng probable cause.Ito ay kaugnay sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 SAF troopers.?Sina Purisima at Napeñas ay nahaharap ngayon sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Authority.Sa 40 pahinang joint resolution, pinanindigan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na walang otoridad si Purisima para makialam at manguna gaya ng mission planning at execution ng mga delikadong operations dahil ito ay suspendido.Nakasaad din sa resolution na hindi dapat sinusunod ni Napeñas ang utos ni Purisima dahil ito ay suspendido.Bukod sa criminal case, administrative liable din sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang dalawa.Ibinasura naman ang reklamo laban sa ilang mga police officials na sangkot na sina Fernando Mendez Jr., Noli Taliño, Richard Dela Rosa, Edgar Monsalve, Abraham Abayari, Raymund Agustin Train, Michael John Mangahis, Rey Ariño at Recaredo Marasigan.
Dating Pnp Chief Alan Purisima At Dating Pnp-Special Action Force Director Getulio Napeñas, Pinakakasuhan Na Ng Ombudsma
Facebook Comments