Dating Pnp Chief Alan Purisima, Nag Piyansa Sa Sandiganbayan

24

MANILA – Naglagak ng piyansa si dating Philippine National Police Chief Alan Purisima sa Sandiganbayan sa kasong kinakaharap nito may kaugnayan sa madugong engkwentro ng mamasapano noong 2015.Kabuuang 20,000 pesos ang inilagay na piyansa ni Purisima para sa mga kasong graft at usurpation of public functions, batay na rin sa rekomendasyon ng Ombudsman.Ang nasabing mga kaso ay parehong kinakaharap din ni dating PNP Special Action Force Dir. Getulio Napeñas Jr.Noong Martes, Jan. 24 pormal nang nagsampa ng kaso sa Sandiganbayan ang Ombudsman, isang araw bago ang ikalawang anibersaryo ng mamasapano encounter kung saan 67 katao ang nasawi kabilang na ang 44-na saf commandos.

Facebook Comments