Dating PNP Chief Alan Purisima, pinayagang makalabas ng bansa

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating PNP Chief Alan Purisima na makabyahe sa labas ng bansa.

 

Batay sa minute resolution ng 6th Division ng Anti-graft court, hindi tumutol ang prosekusyon sa kahilingan ng dating PNP Chief.

 

Nakatakdang bumyahe si Purisima kasama ang pamilya sa Taiwan sa Hunyo 16 hanggang 20.


 

Si Purisima ay nahaharap sa mga kaso ng perjury at katiwalian sa Sandiganbayan 6th division kaugnay sa nilagdaan nitong memorandum of agreement sa Werfast Documentart Agency, Inc para sa computerized system ng renewal ng lisensya ng baril noong 2011 na hindi dumaan sa public bidding.

 

May bukod pa itong kaso na perjury sa 2nd Division dahil sa kabiguang magdeklara ng tamang yaman sa kanyang SALN.

Facebook Comments