Dating PNP chief Azurin, nakatakdang manumpa bilang ICI Special Adviser sa Lunes

Nakatakdang manumpa sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. bilang ICI Special Adviser sa Lunes, October 13, 2025.

Ito ang kinumpirma ni Executive Director Atty. Brian Hosaka ngayong araw.

Ayon kay Atty. Hosaka, magaganap ang oath taking ng alas-10:00 ng umaga sa ICI office sa Taguig City.

Pinalitan ni Azurin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Matatandaang sa unang pagdalo ni Azurin sa pulong ng mga ICI official noong Huwebes, sinabi niya sa media na mahirap ang iniatang sa kanyang trabaho lalo pa’t si Magalong ang kanyang pinalitan.

Ngunit aniya, hindi siya papayag na walang mananagot na mga indibidwal sa isyung ito lalo pa’t nadiskubre ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 421 na ghost flood control projects sa iba’t ibang lugar sa bansa, na karamihan ay sa Luzon.

Tiniyak din ni Azurin na walang sasantuhin sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments