Dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr., haharap sa pagdinig ng Senado tungkol sa POGO

Haharap sa pagdinig ng Senado tungkol sa mga iligal na operasyon ng POGO si dating Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr.

Kung matatandaan sa huling pagdinig ng Mataaas na Kapulungan tungkol sa POGO ay isinapubliko ang mga larawan na kung saan makikita si Acorda kasama ang mga Chinese fugitive at iba pang personalidad na itinuturing na responsable sa pag-o-operate ng iligal na POGO.

Ayon kay Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros, napadalhan ng imbitasyon si Acorda at nagpaabiso na ito na haharap ngayong araw sa pagdinig.


Matatandaang sa mga larawang ipinakita sa pagdinig ng Senado ay kasama ni Acorda ang Chinese businessman na si Tony Yang, ang kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, na sinasabing wanted sa China, gumamit ng mga pekeng identity sa bansa para makapagnegosyo at hinihinalang nagpapatakbo ng iligal na POGO sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Inaasahang muling haharap din ngayong araw ang mga pangunahing sangkot sa POGO na sina dismissed Bamban Mayor Alice Guo, Shiela Guo, Sual Mayor Dong Calugay at Tony Yang.

Facebook Comments