Inabswelto ng 7th Division ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) Chief General Jesus Versoza at iba pang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Ito ay kugnay sa maanomalyang chopper deal na binili ng Philippine National Police noong 2009.
Nabatid na tatlong brand new dapat ang binili na helicopter ng PNP pero lumalabas na dalawa sa mga ito ay second hand at mali ang specifications.
Base sa 357 pahinang decision ng mga Mahistrado ng Sandiganbayan, abswelto si Versoza maging sa iba pang mga dating opisyal ng PNP .
Dahil dito, ipinapasauli na sa kanila ang kanilang mga cash bonds at inaalis na rin ang Hold Departure Order sa kanila.
Naunang isinampa ang kaso laban kay Versoza noong 2012 ng Office of the Ombudsman at makalipas ang labing dalawang (12) taon ay natapos na.
Samantala, hinatulan naman na Guilty ang mga dating opisyal ng PNP na sila Ret. Gen. Luizo Ticman, Ronald Roderos, Romeo Hilomen, Leocadio Santiago, at private accused na si Hilario De Vera.
Pinatawan sila na makulong ng hanggang walong taon at diskwalipikado na rin na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Pinagbabayad din sila ng 11.3 million pesos kada unit ng helicopter kasama na ang interes.
Guilty rin sa hiwalay na kaso si Gen. Roderos.