
Nanumpa na bilang bagong General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III nitong Biyernes ng umaga, December 26.
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang panunumpa ni Torre.
Papalitan ni Torre si Procopio Lipana sa naturang posisyon.
Sa kanyang panunungkulan, inaasahang pamumunuan ni Torre ang MMDA sa pagpapatupad ng mga hakbang sa traffic management, disaster response, at mas pinaigting na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Bago italaga bilang MMDA general manager, nanungkulan si Torre bilang PNP chief sa loob lamang ng 85 araw.
Ito ay kasunod ng kanyang pagkakasibak sa puwesto noong September 9, matapos umano siyang hindi sumunod sa direktiba ng National Police Commission (Napolcom) kaugnay ng ipinatupad na rigodon sa mga opisyal ng PNP, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.










