Hindi na sasampahan ng kasong Administratibo si dating PNP Chief Oscar Albayalde kaugnay sa isyu ng ninja cops.
Ito ay taliwas sa rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, walang nakitang matibay na ebidensya para kasuhan si Albayalde.
Command responsibility lamang aniya ang pwedeng ipataw sa dating hepe pero balewala na ito dahil nagbitiw na si Albayalde.
Kasabay nito, muling ipagpapatuloy ng DOJ Panel of Prosecutors ngayong araw ang pagdinig sa inihaing mga reklamo ng PNP-CIDG laban sa tinaguriang ninja cops.
Kasama sa ina-asahang magsusumite ng kontra salaysay si Albayalde na kabilang sa respondents sa reklamo.
Facebook Comments