Dating PNP Chief Purisima, dapat managot sa pagkamatay ng 44 na SAF sa Mamasapano incident

Pinanindigan ni Senator Ronald Bato Dela Rosa ang report ng Philippine National Police o PNP board of inquiry na dapat managot sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating PNP Chief Gen Alan Purisima.

 

Kaugnay sa nangayaring Mamasapano encounter noong January 25, 2015  kung saan nasawi ang 44 na miyembro ng PNP Special Action Force.

 

Pahayag ito ni Dela Rosa kasunod ng pagbasura ng Sandiganbayan sa mga kasong katiwalian at usurpation of authority laban kay Purisima at dating PNP Special Action Force Chief Getulio Napeñas.


 

Ayon kay Dela Rosa, base report ng PNP noon ay mas mababa ang pananagutan ni Napeńas kumpara kina Aquino at Purisima na malinaw na parehong nagpabaya kaya nangamatay ang mga miyembro ng SAF.

 

Pabor din si Dela Rosa sa isinusulong ni Senator Richard Gordon na muling imbestigahan ng Senado ang Mamasapano incident.

Facebook Comments