Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na hindi bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) kundi resource person ang ginampanan ni dating PNP Chief Alan Purisima sa pagpaplano sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Ito ang naging kaniyang pahayag makaraang maglagak ng piyansa sa kasong kinakaharap kaugnayang Oplan Exodus.
Kinonsulta niya lamang si Purisima hinggil sa operasyon dahil may kaalaman ito sa lugar sa kabila ng pagkakasuspinde sa kaniya.
Dahil dito, nahaharap sa kasong Graft at Usurpation of Official Function matapos na hayaan ni P-Noy na makialam si Purisima sa pagpaplano ng Oplan Exodus.
Matatandaan na ang Oplan Exodus ay operasyon laban sa Malaysian Bomb Maker na si Zulkifli Bin-Hir alyas Marwan at Pilipinong Bandidong Lider na si Basit Usman noong January 25, 2015.