Friday, January 16, 2026

Dating PNP Chief Torre III, dumistansya sa isyu ng warrant of arrest kay Atong Ang

Dumistansya si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sa isyu ng pag-aresto kay Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Torre, hindi niya maaaring sagutin kung magiging madali o mahirap ang pag-aresto sa negosyante.

Tumanggi rin si Torre na magkomento sa mga alegasyong may ilang opisyal umano ng PNP na nasa payroll ni Ang.

Facebook Comments