Dating PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Santos, itinanggi ang umano’y cover up sa shabu haul

Walang basehan ang akusasyon na cover up sa P6.7 billion na halaga ng shabu na nakumpiska sa Maynila noong nakaraang taon.

Ito ang bwelta ni dating PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Benjamin Santos sa paratang ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr.

Ayon kay Santos, nagbase lang sa CCTV footage at hindi dumaan sa due process at consultations ang ginawa ni Abalos.


Dahil dito, hindi umano sila nabigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.

Aniya, hindi siya sangkot sa cover-up kung saan sa katunayan ay tapos na ang operasyon nang dumating siya sa crime scene.

Paliwanag pa nito, nagpunta lang siya sa crime scene para i-congratulate ang operating team dahil sa kanilang accomplishment.

Facebook Comments