Arestado sa ikinasang anti illegal drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 12 (PDEA-12) at Pikit Police personnel ang isang dating pulis.
Ayon kay PDEA-12 Director Naravy Duquiatan, naaresto si Motin Kidap Jr., 41 anyos sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.
16 na maliliit na sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng PHP8,160, cellular phone at motorsiklo na ginagamit nito sa mga iligal na transaksyon ang nakumpiska ng mga otoridad mula kay Kidap.
Nabawi din mula sa suspek ang PHP500 marked money.
Si Kidap ay target-listed drug personality, dati itong pulis na nakadestino sa Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Kidap na ngayon ay nakapiit sa Pikit police detention facility.
PDEA 12 PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>