Dating police asset, patay sa riding in tandem sa Makati

Makati City – Patay ang isang dating police asset na nasangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa barangay Olympia, Makati City.

Sa kuha ng CCTV, tinambangan ng riding in tandem si Froilan Delos Santos, 36-anyos sa bahagi ng Kalayaan Avenue.

Sasaklolohan na sana ang biktima ng mga bantay-bayan pero bigla silang napa-atras matapos bumalik ang mga suspek.


Bumaba ang backrider at malapitang pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

Bukod sa pagiging drug pusher, dawit din ang biktima sa pagnanakaw at frustrated murder.

Ikinabahala naman ni Human Rights Chairperson Chito Gascon ang dumaraming insidente ng deaths under investigation.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments