Dating police, pinagtibay ang pag-uugnay kay dating Pangulong Duterte sa pagpatay sa 3 chinese drug lords sa Davao prison noong 2016

Lumutang sa ikatlong pagdinig ng House Quad Committee ang dating pulis na si Jimmy M. Fortaleza ay kanyang pinagtibay ang testimonya nina Leopoldo Tan Jr. at Fernando Magdadaro.

Ito ay ang pag-uugnay nina Magdadaro at Tan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpatay sa 3 chinese drugs lords sa Davao prison and penal farm noong 2016.

Ayon kay Fortaleza, noong July 2016, ay binisita siya sa Davao prison ni Col. Royina Garma na malapit kay Duterte at binanggit ang plano sa naturang mga chinese drug lords.


Sabi ni Fortaleza, August 8 ay inutusan pa raw siya na magdala ng pagkain at sigarilyo kina tan at magdadaro na nasa loob ng kulungan at kilala bilang tirador ng Davao at kasama sa Davao Death Squad (DDS).

Binanggit ni Fortaleza na noong August 13, 2016 ay nalaman niya na naisagawa na nina Magdadaro at Tan ang pagpatay sa 3 chinese druglords.

Facebook Comments