Dating Pres. Erap, tiniyak na nasa maayos na ang kanyang kalagayan

Patuloy na nagpapagaling si dating Pangulong Joseph Estrada matapos tamaan ng COVID-19.

Sa video, makikitang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng ospital si Estrada.

Mayroong nasal cannula ang dating Pangulo para tulungan siyang makahinga.


Sa kanyang mensahe, nagpapasalamat siya sa mga nagpaabot ng dasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

 

Tiniyak ni Estrada na maayos na ang kanyang kalagayan.

Matatandaang dinala sa ospital si Estrada nitong Linggo matapos na bumaba ang kaniyang oxygen level.

Bukod sa COVID-19, nagkaroon din ng pneumonia ang dating pangulo.

Facebook Comments