Dating Presidential Adviser Michael Yang, itinuro ang mga “friends” na siyang financier ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

543

Itinuro ni dating Presidential Economic Adviser at Chinese Businessman na si Michael Yang na ang kanyang mga “friends” o mga kaibigan ang “financier” ng Pharmally Pharmaceuticals Corp.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, dumalo si Yang na mayroong kasamang interpreter “via online.”


Sa pag-uusisa ni Good Government and Public Accountability Chairman Michael Aglipay kung pera ni Yang ang gamit ng kompanya, mariing itinanggi ng negosyante na siya ang nagpa-finance sa Pharmally Pharmaceutical.

Batay kay Yang, nag-refer lamang siya ng mga kaibigan nang kailanganin ang tulong para sa mga suppliers at para sa finances upang makapag-advance payment.

Sinabi rin ni Yang na wala siyang kinalaman o impluwensya sa paggawad ng kontrata sa Pharmally, para sa COVID-19 pandemic supplies gaya ng face masks at face shields.

Aniya pa, hindi siya nagpahiram ng pera sa Pharmally, na taliwas sa binanggit sa Senate Blue Ribbon Committee ng ilang opisyal ng Pharmally na si Yang ang kanilang financier.



Tinanong naman ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kung sino-sino ang mga kaibigan ni Yang at magkano ang perang pinag-uusapan, pero tumanggi si Pharmally Dir. Lincoln Ong na isapubliko ito dahil na rin sa Bank Secrecy Law.

Facebook Comments