Dating Presidential Adviser Michael Yang, pinatawan ng contempt at pinaaaresto ng Kamara

Nagpasya ang House Committee on Dangerous Drugs na patawan ng contempt at ipaaresto ang negosyanteng si Michael Yang na dating economoc adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang hakbang ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ay kasunod ng hindi na naman pagsipot ni Yang sa pagdinig ukol sa nakumpiskang P3.6-billion na ilegal na droga sa Mexico, Pampanga noong nakaraang taon.

Ang pangalan ni Yang ay nasasangkot sa isyu dahil konektado umano ito sa incorporator ng Empire 999 Realty Corp. na siyang may-ari ng warehouse kung saan nasabat ang iligal na droga.


Facebook Comments