Dating Presidential Adviser Michael Yang, pinautang ang Pharmally Pharmaceutical Corporation para maideliever ang pandemic supplies na binili ng pamahalaan

Aabot lamang sa P625,000 l ang idineklarang kapital ng Pharmally Pharmaceutical Corporation pero 8.6 billion pesos ang halaga ng kontratang ini-award dito ng gobyerno.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inamin ng presidente ng kompanya na si Huang Tzu Yen na pinahiram sila ni dating presidential adviser at businessman na si Michael Yang ng pera para maideliver nila ang mga biniling medical supplies ng gobyerno.

Sabi ni Yen, ang ibabayad nila kay Yang ay ang salaping bayad naman sa kanila ng pamahalaan.


Ang Pharmally Pharmaceutical Corporations ang binilhan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng hinihinalang overpriced na face mask, RT-PCR test kits, PPE at iba pang medical supplies.

Ang pahayag ni Pharmally president Huan Tzu Yen ay sinuportahan ng direktor ng kompanya na si Linconn Ong.

Giit naman ni dating PS-DBM chief Undersecretary Chritopher Lao, walang mali sa pag-award ng kontrata sa Pharmally na baguhan pa lamang dahil ang mahalaga ay naideliver nito ang mga pandemic supplies na binili ng gobyerno.

Facebook Comments