Dating Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio, hinatulan ng Sandiganbayan ng 12-20 taong pagkakakulong

Manila, Philippines – 12 taon hanggang sa dalawampung (20) taon na pagkakakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kay dating Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio.

Ito ay matapos na mapatunayan ng 1st division ng Sandiganbayan na nagkasala si Sabio sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa milyong pisong halaga ng maanomalyang pag-arkila ng mga sasakyan ng PCGG noong 2007 hanggang 2009.


Facebook Comments