Dating presidential economic adviser Michael Yang, hindi nakadalo sa pagdinig ng Senado kahapon

Hindi nakadalo sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kahapon hinggil sa overpriced na medical supplies si dating presidential economic adviser Michael Yang.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Raymund Fortun, kinakailangang magpahinga ni Yang matapos tumaas ang blood pressure.

Dahil dito, pinayuhan ng mga doktor si Yang na manatili na lamang sa kaniyang bahay.


Magsusumite naman si Fortun ng medical certificate bilang patunay sa kaniyang paliwanag hinggil sa naging dahilan ng hindi pagdalo ng kaniyang kliyente sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Facebook Comments