Dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, ipaaaresto ng Kamara kung hindi sisipot sa pagdinig ukol sa drogang nasabat sa Mexico, Pampanga

Binalaan ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers si dating Presidential Economic Adviser at negosyanteng si Michael Yang na ipaaaresto.

Sabi ni Barbers, ito ay kung hindi nito sisiputin ang pagdinig bukas, May 22, ukol sa P3.6 billion na halaga ng droga na nasabat sa isang bodega sa Mexico, Pampanga noong 2023.

Ayon kay Barbers, ang imbitasyon kay Yang ay isinulong ni Congressman Dan Fernandez at Congressman Caraps Paduano makaraang lumabas sa committee hearing na ang Empire 999 na kumpanyang may-ari ng warehouse kung saan natuklasan ang iligal droga ay pagmamay-ari ng mga Chinese national.


Isa rito si Lincoln Ong, na nagsilbing interpreter ni Yang, sa mga imbestigasyon ng Pharmally scandal noon.

Facebook Comments