Dating Presidential Spokesman Harry Roque, pinayuhan ng Malakañang na kasuhan ang mga opisyal na sinasabing bahagi ng mafia sa Philhealth

Iminungkahi ng Malakañang kay dating Presidential Spokesman Harry Roque na kasuhan ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. na sinasabing dawit sa korapsyon o kabilang sa mafia sa loob ng ahensya.

Kasunod ito ng pahayag ni Roque na maling mga pangalan o personalidad ang isiniwalat sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng mafia sa Philhealth.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya si Roque na magsampa ng appropriate charges o karampatang reklamo laban sa sinumang opisyal ng pamahalaan.


Samantala, kaugnay naman ng panawagan nito na buwagin ang Philhealth, sinabi ni Panelo na sa kongreso dapat i-address o iparating ang mungkahi ni Roque.

Una nang nagsumite ng courtesy resignation kay Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Philhealth sa kalagitnaan ng ghost dialysis treatment controversy.

Sa kasalukuyan, wala pang ulat na natanggap ang palasyo sa ikinasang imbestigasyon kaugnay ng usapin.

Facebook Comments