Dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itinalaga bilang undersecretary ng DFA

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella bilang Undersecretary ng Department of Foreign Affairs o DFA.

Ito ay matapos ilabas ng Malakanyang ang appointment paper para kay Abella.

Naluklok sa DFA si Abella, limang araw matapos manumpa bilang bagong Presidential Spokesperson si Atty. Harry Roque, noong Oktubre 27.


Samantala, maliban naman sa pagiging tagapagsalita ng palasyo, itinalaga din ng pangulo si Secretary Roque bilang Presidential Adviser on Human Rights.

Facebook Comments