Tiniyak ni Philippine National Police o PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nasa Pilipinas pa at walang indikasyon na lumabas ng bansa ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad na si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Ayon kay Fajardo, ito ay base sa impormasyon nila mula sa Bureau of Immigration.
Sakali naman aniyang matunton si Roque, itu-turn over nila ito sa Kongreso.
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng PNP kay Atty. Roque.
Ayon pa kay Fajardo, makikipag-ugnayan sila sa Anti-Cybercrime Group kung pwedeng matunton si Roque gamit ang IP address.
Ito’y dahil sa patuloy nitong pag-a upload ng video sa social media ng kanyang mga vlog.
Facebook Comments