Dating Presidential Spox Harry Roque, wala sa 2 known addresses nito

Wala si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa dalawang address nito sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo makaraang isilbi ng Criminal Investigation and Detection Group ang arrest order laban dito mula sa Kamara.

Matatandaang kasama ang PNP sa paghahanap o sa manhunt operation laban kay Roque na na-cite for contempt ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kabiguan nitong magsumite ng mga dokumentong may kinalaman umano sa kanyang kaugnayan hinggil sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators o (POGO) operations sa bansa.


Facebook Comments