Dating preso balik kulungan matapos mahulihan ng shabu sa kaniyang bahay sa Mangaldan Pangasinan

19

Balik kulungan ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa kaniyang bahay sa barangay embarcadero Mangaldan Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Soriano alyas “estong” na nasakote ng PNP Mangaldan sa loob ng kaniyang tahanan.
Sa inihain na search warrant ng awtoridad nakuha ang limang sachet ng hinihinalang shabu at isang sachet na may residue ng shabu.
Dinala ang suspek sa Mangaldan Infirmary para sa medico legal.
Batay sa imbestigasyon, taong 2004 ay nakulong sa Taytay Police Station, Tay Tay Rizal dahil pa rin sa kasong droga at nakalabas taong 2018.
Sinampahan na ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers