Dating procurement head ng DBM, susi para malantad ang nasa likod ng umano’y overpriced face mask at face shield at pag-transfer sa pondo ng DOH

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatawag kay dating Department of Budget ang Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa tingin ni Drilon, si Lao ang posibleng missing link at makakapagbigay-linaw sa pagbili ng umano’y overpriced na face masks at face shields noong nakaraang taon.

Tinukoy ni Drilon na si Lao ang dating head ng procurement service ng DBM kung saan inilipat ng Department of Health (DOH) ang P42 billion na pondong pantugon sa COVID-19 pandemic.


Ayon sa report ng Commission on Audit (COA), hindi ito suportado ng documentary requirements.

Nais malaman ni Drilon kung sino ang opisyal na nag-utos na ilipat sa procurement service ng DBM ang P42 billion na pandemic funds ng DOH at kung first time na may ginawang ganito.

Diin ni Drilon, maraming iniwang kwestyunableng transaksyon si Lao na kailangang busisiin ng Senado.

Facebook Comments