Dating PRRD, ipapatawag ng Senado sa imbestigasyon tungkol sa “war on drugs”

Posibleng ipatawag ng Senado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang pagdinig tungkol sa “war on drugs”.

Ang komite ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na Public Order and Dangerous Drugs ang siyang magkakasa ng motu proprio investigation habang wala pang naire-refer na resolusyon na inaasahang ihahain naman ni Senator Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Dela Rosa, malaki ang tyansang humarap sa pagdinig ng Senado si dating Pangulong Duterte sakaling iimbitahan dahil mas komportable ito sa mataas na kapulungan kumpara sa Kamara.


Posible ring ipatawag ang iba pang cabinet members noong Duterte administration para maging resource person hinggil sa isyu.

Sa kabilang banda, hindi pa nakakausap ni Dela Rosa si dating PRRD tungkol dito pero tiwala siyang haharap ang dating pangulo sa imbestigasyon kapag siya ang nag-imbita.

Facebook Comments