Dating PRRD, nagtataka na hindi pa siya nakakasuhan sa mga pagpatay

COURTESY: Senate of the Philippines

Malaki ang pagtataka ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi pa siya nasasampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) gayong diretsahang niyang inaming matagal na siyang pumapatay ng mga tao.

Kasunod na rin ito ng naging pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros kay Duterte kung nararapat bang patayin ang mga kriminal sa halip na ibilanggo na lamang ang mga ito.

Para kay Duterte, wala siyang pakialam sa mga kriminal at hindi siya gagastos ng pera ng gobyerno para sa mga ito at sa halip ay ibigay na lamang niya ang pondo sa mga taong walang makain at walang trabaho.


Sa tingin ni Duterte ay nararapat lang din na mapunta sa impyerno ang mga kriminal dahil ito naman ang pinili nilang mangyari sa kanila sabay sabi sa senadora na doon na lamang sila magkita-kita.

Agad namang sinagot ni Hontiveros na walang hurisdiksyon ang Senado sa impyerno at hindi niya gugustuhing pumunta roon.

Facebook Comments