Dating PS-DBM Chief Lloyd Lao, may pinagtatakpan sa maling paggamit ng pondo ng DOH

Nagsisinungaling at mayroong pinagtatakpan si dating Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM) Chief Lloyd Christopher Lao nang humarap ito sa pagdinig ng senado kaugnay sa maling paggamit ng pondo ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, pipilitin ng mga senador na ilabas at sabihin ni Lao kung ano at sino ang kaniyang pinagtatakpan.

Tiniyak naman ng senador na mananagot si Lao sa isyu dahil malinaw na panloloko ito sa bayan.


Sa ngayon, hihilingin na ni Drilon sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit na tututok sa P67 billion pondo para sa pagtugon sa COVID-19.

Facebook Comments