Dating PS-DBM OIC Lao, sabit umano sa Anti-Graft Law

Kumbinsido si Senador Panfilo “Ping” Lacson na nilabag ni dating Procurement Service of the Department of Budget and Management OIC Lloyd Christopher Lao ang Anti-Graft Law.

Paliwanag ni Lacson, ito ay dahil sa pagbibigay ni Lao ng malalaking kontrata sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation kahit na walang pinansyal na kapasidad ang kumpanya base sa kanilang Net Financial Contracting Capacity.

Ayon kay Lacson, ang Pharmally ay may net working capital na P599,450 at maaari lamang itong bigyan ng kontrata na nagkakahalaga ng P5.994 milyon.


Ngunit sabi ni Lacson, kabila nito, ay nakuha ng Pharmally ang una nitong kontrata na nagkakahalaga ng P13.86 million na mahigit doble sa maximum na maaari nilang makuha.

Binanggit ni Lacson na base sa mga dokumento ay nakakuha pa ito ng pangalawang kontrata na nagkakahalaga ng P54 milyon ang lahat ng ito ay nangyari sa loob lamang ng isang taon.

Bunsod nito ay inirekomenda ni Lacson kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon na isama sa kanyang preliminary committee report na may malinaw na paglabag si Lao sa Anti-Graft Law, bunsod ng kanyang hindi pagsunod sa administrative requirement.

Binigyang diin din ni Lacson na inabuso umano ni Lao ang kanyang posisyon at hindi rin nito sinunod ang mga probisyon ng Procurement Law.

Facebook Comments