Dating PS-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao, hinamong pangalanan na rin ang nasa likod ng katiwalian sa COVID-19 funds

Hinamon ni Senator Risa Hontiveros si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Usec. Lloyd Christopher Lao na aminin na kung sino ang “big boss” na nasa likod ng maanomalyang COVID-19 funds.

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Lao matapos na silbihan ng arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan dahil sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices law.

Ayon kay Hontiveros, panahon na para harapin ni Lao ang mga kaso laban sa kanya.


Dapat aniyang managot si Lao at ang mga kasabwat nito sa pangaabuso at pagkamkam sa pondo ng bayan sa gitna ng pandemya na marami ang nakakaranas ng gutom at nawalan ng hanapbuhay.

Sinabi pa ni Hontiveros na sa huli ay magsilbing paalala at aral sa mga taga gobyerno na may katapusan din ang hindi wastong paggamit at pangaabuso sa kaban ng bayan.

Hindi aniya maiiwasan ng kanilang pagtatago at pagmamagic ang pananagutan sa batas at sa bayan.

Facebook Comments