
Naaresto ang tatlong suspek kabilang na ang isang dating pulis matapos ang naganap na robbery-holdup sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kahapon Aug. 26, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Regional Office 3, magdedeposito sana ng malaking halaga ang biktimang 71-anyos na negosyante nang biglang tutukan siya ng baril ng isa sa mga supek at agawin ang kanyang pera.
Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Dito na nagpasaklolo ang biktima sa pulisya dahilan para masakote ang mga suspek.
Nabawi sa operasyon ang ninakaw na ₱550,000, baril at motorsiklo na hindi rehistrado.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa patong-patong na reklamo tulad ng robbery-holdup.
Facebook Comments









