Dating pulis na binaril at napatay sa Taguig, sangkot sa ilegal na droga

Kinumpirma ng mga otoridad na ang dating pulis na miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nabaril at napatay sa Taguig ay unang pinangalanan ni Philippine National Police (PNP) Chief at dating NCRPO Chief, Police Major General Debold Sinas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga kaya sinibak sa Regional Headquarters Support Unit (RHSU) ng NCRPO.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na minsan na ring nasangkot sa kaguluhan ang biktima na si Patrolman Marcos Guillermo Laggui at kaniyang kapatid na security guard sa Quezon City.

Si Laggui ay binaril habang nasa loob ng barber shop kung saan nakasuot pa ito ng camouflage nang pumasok ang hindi kilalang armadong lalaki at pinaputukan ito ng ilang ulit.


Siya ay nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril na siyang ikinamatay nito.

Facebook Comments