Dating pulis na leader umano ng Magpali gun-for-hire group, sumuko sa PNP matapos ipatugis ng pangulo

Makaraang iutos sa Philippine National Police (PNP) ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin ang sinasabing lider ng gun-for-hire syndicate na Magpali Group na si Wilson Magpali ay sumuko na ito sa PNP.

Si Magpali ay dating police lieutenant colonel na sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa mga pagpatay, ang grupo nito ay nag-o-operate sa Ilocos-Pangasinan region.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nakaramdam ng pressure sa manhunt operation si Magpali kaya ito sumuko.


Personal na humarap si Magpali sa PNP Intelligence Group kahapon kasama ang kanyang abogado.

Nagsumite rin sya ng affidavit para linisin ang kaniyang pangalan.

Aniya, natatakot sya sa kaniyang buhay at minabuti niyang humarap sa imbestigasyon.

Itinanggi nya na lider sya ng Magpali gun-for-hire group at walang alam sa planong pagpatay sa mga pulitiko sa La Union.

Sa ngayon ay nasa PNP-IG ang suspek para sa temporary custody.

Matatandaang 2019 nang magsimulang magtago si Magpali makaraang masangkot sa pagpatay sa isang Fredi Ramirez sa Pangasinan.

Facebook Comments