Dating pulis na nagpakilalang police colonel at 6 pa niyang kasama, naaresto ng PNP-IMEG sa pangongotong sa Quezon City

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang dating pulis na nagpapakilalang isang police colonel at anim na kaniyang kasamahan sa reklamong extortion.

Isinagawa ang entrapment operation sa isang restaurant sa Maginhawa St. Teacher’s Village, Quezon City.

Kinilala ni PBGen. Thomas Frias, Jr., Director ng IMEG ang suspek na si dating Patrolman Joaquin Flores Jr., ng NCRPO.


Kasama niyang mga nahuli ay sina:

Domingo Corpuz;
Renz Manago;
Elton Lopez;
Gabriel Momjuan;
Armando Silao
At Ocito Cerilo Delmonte

Sa report ni Gen. Frias, nagreklamo sa kanilang tanggapan si Vice Mayor Gerry Natanauan ng Talisay, Batangas.

Dahil siya ay hinihingan umano ng 380, 000 pesos para mapabilis ang release ng resolution ng kaniyang kaso sa Office of the Ombudsman.

Kaya’t ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Facebook Comments