Dating pulis na sangkot sa pagnanakaw at panghoholdap arestado sa QC

Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang dating pulis na umano’y sangkot sa pagnanakaw at panghoholdap sa dalawang pawnshop sa Quezon City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Patrolman Dennis Marucut, dismissed na pulis na nakatalaga sa Police Regional Police 3, at residente ng San Juan, Apalit, Pampanga.

Siya ay AWOL sa Philippine National Police (PNP) simula pa noong 2020.


Batay sa ulat ng Pulisya, nangyari ang magkasunod na pagnanakaw at panghoholdap sa dalawang pawnshop sa 162 Roosevelt Ave. Corner Delmonte, Brgy. Delmonte, Quezon City at sa 215, Tandang Sora Ave. Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Nang mahuli ito ay nakuha ang isang motorsiklo, granada at isang 9mm caliber pistol.

Sa ngayon nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at RA 9516.

Bukod dyan ay kinasuhan din siya ng acts of lasciviousness matapos hipuan sa maselang parte ng katawan ang assistant branch manager ng isa sa pawnshop na kaniyang nilooban.

Facebook Comments