Dating pulis na sangkot sa pagre-recyle at pag-bebenta ng iligal na droga patay 

1103

Nasawi matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement group o IMEG at NCRPO ang isang dating pulis matapos ang ikinasang buy bust operation sa Austria Barangay Nova sa Quezon City.

Kinilala ng PNP IMEG ang nasawing dating pulis na si Police Corporal Tirso Agustin Lactaotao 48 anyos, residente ng Brgy Bagumbayan, Pililia, Rizal na maagang nagretiro nitong November 2019.


Sa imbestigasyon ng IMEG mag-aala-una ng madaling kagabi ng ikasa nila ang buy bust operation kung saan nakahalata ang suspek na nakikipag transaksyon sya sa pulis.

Dito na sya nagpaputok ng baril sa mga nakapaligid na tauhan ng PNP IMEG na agad namang nakadepensa at nang gumanti ng putok ang mga pulis dito na nagtamo ng tama ng bala na ng baril ang suspek sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Isinugod pa ito ng mga pulis sa Nova District Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa nasawing suspek ang isang 9mm na baril, 7 sachets na may lamang shabu, 2 cellphones units, nakuha rin dito ang PNP ID, at PDEA ID.

Facebook Comments

From Advertisers