Dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nambatok at kinasahan ng baril ang isang siklista sa Quezon City, no show sa pagdinig ng LTO

Hindi sumipot sa tanggapan ng Land Transportation Office-National Capital Region o LTO-NCR East Avenue sa Quezon City ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nambatok at kinasahan ng baril ang isang siklista sa Quezon City noong August.

Sa halip, ang anak ni Gonzales ang humarap at sinurrender ang driver’s license ng kaniyang ama.

Dahil dito, maglalabas ang LTO-NCR ng desisyon kung dapat tuluyan nang tanggalan ng driver’s license si Gonzales.


Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang anak ni Gonzales sa media at hindi na rin sinabi nito kung bakit hindi dumalo ang kaniyang ama sa pagdinig ng LTO.

Dumating din ang dating may-ari ng sasakyan ni Gonzales na nagsumite ng mga dokumento na nagpapatunay na hindi na siya ang may-ari ng sasakyan.

Facebook Comments