Dating pulis, patay sa pamamaril sa Maynila habang nag-eehersisyo

Sawi ang isang dating pulis matapos umanong barilin habang nag-eehersisyo sa rooftop ng kanilang bahay sa Malate, Maynila.

Sa report ng Manila Police District, nitong Huwebes ay nasa rooftop ang biktimang si Rolando Yolo, at noo’y nag-eehersisyo nang bigla umanong makarinig ang kanyang mga kasama ng magkakasunod na putok ng baril.

Inabutan na lang nilang may tama na ng bala sa ulo ang biktima at wala ng buhay.


Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaaring nanggaling daw sa ibang gusali ang gunman.

Nakikita ring planado ang ginawang pagpatay dahil sa anggulo ng pamamaril.

Marahil ay kabisado na rin daw ng suspek ang routine ng dating pulis kaya nalamang nasa rooftop ito para mag-exercise.

Samantala, naiulat ding noon ay may nagtangka na rin sa buhay ni Yolo.

Patuloy na inaalam ang motibo ng krimen bagama’t walang anumang rekord na may kaaway ito sa kanilang lugar.

Facebook Comments