Dating Punong Barangay ng Linabuan Norte, Kalibo at Ex-Officio member ng Sangguniang Bayan, binaril

Kalibo, Philippines- Patuloy ngayon na ginagamot sa isang pribadong hospital si dating Punong Barangay ng Linabuan Norte, Kalibo at Ex-Officio member ng Sangguniang Bayan ng Kalibo si Ananias “Antoy” Zolina, 60-anyos at residente ng nasabing barangay matapos na magtamo ng dalawang tama ng pagbaril.

Base sa record ng Kalibo PNP, nangyari ang insidente bandang alas 11:45 kagabi sa may Veterans Avenue, Kalibo habang sakay sya ng Honda Accord ng barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek galing likod na tumama sa kanyang kaliwang kamay at binti.

Nakapunta pa sa Aklan Provincial Hospital para magpagamot at sa huli ay nagpa transfer ito sa pribadong hospital.


Patuloy pa ang ginagwang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente.

*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*

Facebook Comments