Patay ang isang dating radio brodkaster sa isang local radio station sa Dumaguete, Negros Oriental matapos pagbabarilin kaninang umaga.
Kinilala itong si Dindo Generoso, 67-anyos residente ng Barangay Banilad, Dumaguete City, dating radio broadcaster ng Bai Radio Station sa Dumaguete.
Sa ulat ng PNP Dumaguete alas 7:30 ng umaga kanina sakay ng kanyang sasakyan ang biktima na may plate number YKU 946 nang pagbabarilin ng mga suspek sa may Hibbard Avenue mula south patungo sa north direction sa Dumaguete City.
Tadtad ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang katawan dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng krimen.
Facebook Comments