Hinatulang guilty ng Makati RTC B149 sa kasong money laundering si dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch, Makati City manager Maia Santos-Deguito.
Ito ay may kinalaman sa US $81 million na nakaw na salapi mula sa Bangladesh bank na idinaan sa RCBC Jupiter branch partikular ang over the counter withdrawal ng $14.3 million na bahagi ng $81M million na laundered funds.
Sa desiyong pirmado ni Judge Ceasar Untalan nakasaad na may sapat na basehan upang idiin sa kaso si Deguito sa 8 counts ng money laundering na isinampa ng DOJ.
4 hanggang 7 taong pagkakalulong ang ipinataw ng korte kay Deguito at multa na halos $110 million.
Matatandaang una nang naabswelto sa kaso ang PHILREM Service Corporation at tanging si Deguito na lamang ang natitirang akusado sa kaso.
February 16 2016 nang ma-hack ang Bangladesh bank at ang $81 million na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.