MANILA – Sinampahan ng kasong libel at humihingi ng P32 million na danyos si Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) President on-leave Lorenzo Tan laban kay Maia Santos-Deguito.Sinabi ni Tan, na 35-taon niyang itinaguyod at iningatan ang kanyang pangalan sa banking industry at sa isang iglap ay sinira ito ng mga pahayag ni Deguito.Nakasaad sa kaniyang isinampang reklamo sa Makati Regional Trial Court ang umano’y mga mapanirang pahayag ni Dequito sa mga media interviews, sa imbestigasyon ng senado at paninira sa kanyang pangalan sa mismong mga kasamahan sa RCBC.Magugunitang sinabi ni Deguito na inutusan siya ni tan na magbukas ng tatlong dollar accounts sa rcbc Jupiter Branch kung saan dito pumasok ang sinasabing bahagi ng $81 Million na Laundered Money mula sa Bangladesh Central Bank.Mariing itinanggi ni Tan ang nasabing mga akusasyon kung saan ay sinampahan naman ng paglabag sa anti-money laundering law si deguito ng Department of Justice.
Dating Rcbc Branch Manager Maiag Deguito, Sinampahan Ng Panibagong Kaso
Facebook Comments