Dating RCBC Manager Maia Deguito, kinasuhan ng DOJ ng paglabag sa anti-money laundering law

Manila, Philippines – Tuluyan nang kinasuhan ng Dept. of Justice sa korte ng money laundering si dating RCBC-Jupiter, Makati Branch Maia Santos-Deguito.

Walong bilang ng paglabag sa Anti Money Laundering Act ang isinampa ng DOJ laban kay De Guito sa Makati Regional Trial Court.

Ang kaso ay may kinalaman sa 81-million dollars na nakaw na salapi mula sa Bangladesh Bank na idinaan sa RCBC Jupiter Branch.


Partikular ang over-the-counter withdrawal ng 14.3 million US Dollars na bahagi ng 81-million dollars na laundered fund.

kasama rin sa mga kinasuhan ang mga account holder na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vazquez.

Isang daang libong pisong piyansa ang inirekomenda ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng bawat akusado at para sa bawat count ng kaso.

Magugunitang noong February 16 ng nakaraang taon, na-hack ang Bangladesh Bank at ang 81 million dollars na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.

Facebook Comments