Dating real-life couple na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson, together again na nga ba?

Kumbinsido ang celebrity friends nina Mccoy De Leon at Elisse Joson na nagkabalikan na ang dating reel-and-real life couple.

Hindi kasi napigilan ng mga kaibigan ng mga ito na kiligin sa ipinost na picture ni Mccoy sa Instagram, kasama si Elisse sa isang romantic cruise.

Makikita na magkatabing nakaupo ang dalawa habang masuyong hinahalikan ni Mccoy sa noo si Elisse at ang dalaga ay halatang kinikilig sa pagkakangiti.


Simple pero makahulugan ang caption ni Mccoy sa post na “Always all ways.”

Walang detalye kung kailan kinunan ang picture nina Mccoy at Elisse, pero libu-libo ang nagkomento rito kung saan ang iba ay natuwa dahil nagkabalikan na raw ang “Mclisse”.

Kabilang sa mga nag-comment sina Maymay Entrata, DJ Chacha, Vivoree Esclito, Julia Barretto, Eula Valdes, Mylene Dizon, Dimples Romana, Awra Briguela at Chie Filomeno.

Facebook Comments