Dating Rebelde, Hinihikayat ang mga Natitirang Kasama na Magbalik-loob sa Gobyerno

Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ni Estaqio Alberto, isang dating rebelde at kasalukuyang presidente ng Salaknib Former Rebels Integrated Farmers Association (SFRIFA), na sumuko na ang mga iba pang rebelde.

Si Alberto ay kabilang sa mga dating rebelde na matutulungan ng DOLE Region 2 sa pamamagitan ng LGU San Mariano, Isabela at 95th Infantry Battalion ng 5 th Infantry Division, Philippine Army.

Ipinasakamay na kahapon ni Atty. Evelyn Ramos, DOLE Regional Director ang tseke na nagkakahalaga ng P1,287,592.00 upang suportahan ang kanilang pangkabuhayan bilang parte ng kanilang integrasyon sa komunidad.


Ayon sa pahayag ng dating rebelde, ramdam at nakikita na aniya nito ngayon ang mga tulong ng gobyerno para sa mga sumusukong rebelde kung kaya’t hinihimok nito ang mga natitira pa sa bundok na bumaba at magbalik loob na sa pamahalaan upang matamasa rin ang mga natatanggap na tulong.

Facebook Comments